Laro
Tungkol sa Cha-Ching
Ang Cha-Ching ay isang programa tungkol sa financial skills na dinisenyo para sa maituro sa mga batang 7 hanggang 12 taong gulang ang mga kaalaman, kagamitan, at pagsasanay na kailangan para sa pag-de-desisyon sa pera para maabot nila ang pangarap nila.
Binuo ito ng Prudence Foundation kasama ang Cartoon Network Asia at eksperto sa edukasyon ng mga bata na si Dr. Alice Wilder. Ang mga kuwento, musika, video, komiks, at kurikulum ay nakapokus sa apat na mahalagang konsepto ng pera: Kita, Pag-iipon, Paggastos, at Pagbabahagi.
These Guides encourage parents to discuss and help their kids understand the concepts of Earn, Save, Spend and Donate in a fun and interactive way.
- Kita Hindi galing sa wala ang pera kaya kailangan mong kumita. Kung gusto mong makaipon, gumastos, o magbahagi ng pera, dapat kitain mo muna ito.
- Pag-iipon. Mahalagang ugali ang pag-iipon para makamit ang mga panandalian (short-term) o pangmatagalang (long-term) na layunin, pati na sa mga hindi inaasahang pangyayari.
- Paggastos Paggastos ang unang naiisip ng mga bata kapag tinanong tungkol sa pera, pero mahalagang malaman na iba ang "gusto" sa "kailangan."
- Pagbabahagi Mahalaga ang konseptong pagbabahagi (donating) para masuportahan ang mga komunidad natin. Ituro sa mga bata na magbahagi ng oras, gamit, o pera nila para sa mga nangangailangan.
Laro ng Cha-Ching
Ipalista ang inyong anak sa laro ng Cha-Ching, kung saan matututuhan nila ang mahahalagang financial skills para mas masinop sila sa mga desisyon nila.
Gawain ng Pamilya
Mga gawain na puwede mong gawin kasama ang anak kada linggo para pagbutihin ang financial literacy nila.